Send As SMS

Ang Blog na Walang Pamagat: Mga Kuwento ni Ninang TY

Thursday, November 24, 2005

Mga Kuwento ni Ninang TY

Siya ang ninang ng buong pamilya. Hindi malinaw sa akin kung talagang kamag-anak namin siya, basta't ang sigurado ko lang ay kasamahan siya dati ng aking nanay sa Matute School. Si Ninang ang naging tagapag-alaga naming apat noong kami ay bata pa kaya't naging sobrang malapit kami sa kanya.

Bilang regalo sa kanyang birthday, gusto kong isulat ang ilang sa mga bagay na hindi ko makakalimutan patungkol kay Ninang.

Ninang For All Seasons
Si ate talaga ang opisyal na inaanak nya sa binyag, ay pati pala ang bunso kong kapatid. Kami naming mga lalaki ay inaanak nya lang sa boyscout kaya nakiki-Ninang na rin kami. Panay Ninang ang tawag namin sa kanya kaya siguro nahawa na rin ang iba naming mga pinsan at hindi na yata alam ang tunay na pangalan nya at Ninang na rin ang tawag nila.

The Christening of “Waryo”
Si Ninang ang nagbinyag sa akin na pangalang “Waryo”. Lagi niyang ikinukwento na malakas daw ang loob ko (o makapal ang mukha) maski noong maliit pa ako. Minsan noong bumisita kami sa skul ng ate ko (siguro mga 3-5 na taon ako), bigla daw ako nawawala sa tabi ni Ninang at makikita na lang sa harap ng grupo ng mga babae at nagpapakilala. “Hello, ako si Waryo, ano mga names nyo?” . Diyan nanggaling ng aking palayaw, dahil kay Ninang.

“Idabat Mo Na Way”
Hindi ko na tanda ang buong kuwento pero isa ito sa mga paboritong sabihin sa akin noon ni Ninang kapag inaalala nya ang mga naging ugali ko noong maliit pa ako. Parang gusto ko yatang makakita ng “bisong” noon (colloquial term for female organ) kayat pinipilit ko siya na ipakita nya sa akin yun. Kaya’t kapag may hinahanap ako, lagi niyang sinasabi na “Idabat Mo Na Way!”

Ate’s First Drawing Lessons
Si Ninang din ang unang naging teacher ni ate, lalong-lalo na sa Arts.
ATE: Ninang, idrowing mo ako..
NINANG: ng ano?
ATE: Ninang, idrowing mo ako ng kulangot!
NINANG: Ano? Anong kulangot? Hindi ko alam ang itsura noon.
ATE: (nag-dial sa ilong sabay labas ng daliri) Ganito o!

Ang Alamat ni Ate Guy at ng Isang Kalderong Kanin
Nora-nian talaga si Ninang. Kung siya ang tatanungin mo, “not guilty” na pihado ang sagot nyan sa kaso ni Nora. Tanda ko pa noong pumunta at makipagsiksikan kami sa Roxas Boulevard para makita ang parada ng pelikula ni Ate Guy na Bulaklak ng City Jail. Madalas nya ring ginagamit ang mga kilalang linya ni Nora kapag pinangangaralan niya kami.“Walang himala!!”… “Mga Tinik sa Dibdib”, ganyan kafanatic si Ninang. Wala nga raw yun, kasi dati daw ,paulit-ulit niya pinanood ang pelikula ni Nora sa isang araw sa loob ng isang araw, at nagdala pa siya ng isang kalderong kanin bilang baon. Beat that!

Heno-de-Pravia Model
Para kay Ninang, its Heno-de-Pravia or nothing. Hindi ko alam kung totoo pa rin ito hanggang ngayon kasi wala na akong makitang ganitong sabon . Wala ring nakamana sa aming apat na maging fan ng sabon na ito, baka si Ninang lang talaga ang nag-iisang gumagamit nito.

Ang Numero ni Ninang sa BINGO
“Sa B!... unat, sa I!... pasko, sa N!... pumuputok, sa G!... tapwe, sa O!... NINANG!”. Ilan lang ang taong suwerteng magkaroon ng numerong ipangalan sa kanya sa BINGO? Ganyan kasikat si Ninang. Ayun nga lang 75 ang numero nya kasi siya daw ang pinakamatanda sa amin. Pang-asar man o hindi, sikat pa rin siya.

Her Love-Affair with David Hasselhoff
Sabi ni Ninang, boyfriend nya raw si David Hasselhoff, yung bida sa Knight Rider, kaya naman lagi kaming nanonood noon. Malamang lintek ang naging selos ni NInang noong nasa Baywatch na siya. Hindi na nakapag-asawa si Ninang, baka hinihintay niya pa rin si David. Tsk, tsk.

Ang TV at ang Toyota
Para kay Ninang, madali lang malaman kung may masamang epekto ang TV sa kaisipan ng bata. Kung nanalo ang Toyota sa basketbol, hindi masama ang epekto at pwede kang manood ng matagal. Kapag natalo naman, kailangan ng patayin ang TV kasi masama ito sa bata. Ngayong wala na ang Toyota, hindi ko na tuloy alam kung paano ko masasabi kung kailan ko masasabing masama na ang epekto ng Tv sa akin.

AKA Atty. Gunigundo Magtanggol
Ito naman ang bansag ko kay Ninang. Siya ang abugado ng dalawa kong kapatid na babae. Walang puwedeng mang-away kung ayaw nilang makasagupa si Atorni. Pro-bono pa yan! Puro-abono sa dalawa kong kapatid. Malas lang ng grupo ni Katrina Legarda dahil hindi na nila makukuha ang serbisyo ni Atty. Dahil retirado na sya

Two Favorite Lines
Nasa Bicol na ulit si Ninang kaya’t sa telepono na lang ang madalas na paraan ng pagkamusta naming sa kanya. Sa mga okasyong espesyal sa kanya, asahan mo na lagi nya sasabihin nya ang linyang “nakalimutan na ako nun!” sa kung sinuman ang hindi pa tumatawag sa kanya. At sa mga parating pa lang na okasyon, ito naman ang linya nya “buhay pa kaya ako noon?”

Walang makakalimot sa iyo Ninang! Wag ka rin mag-alala dahil matagal pa buhay mo. Naunahan ka pa nga ni FPJ. Happy birthday sa iyo!

1 Comments:

  • I greeted Way thru text and asked her when she will be Xamie's yaya and she said maspoil lang sa kanya. I remember our sortie in Sorsogon where we bathed in the clear water of the hot springs one tricycle ride from Ning's place.
    This is Nanay Baby de Luna, Vic's mom From Baguio With Love

    By babydeluna, at 2:41 AM | link |  

Post a Comment

<< Home